Thursday, April 3, 2008

Tiwala


May malaking nagbago sa buhay ko ngayon. Isa sa mga bagay na parte na ng araw-araw kong gawain ay pinilit kong bitawan. It was the toughest and most painful decision I've probably done in the longest time; but for some reason, I felt like I had to do it.

Ako yung tipo ng tao na tutulong sa abot ng aking makakaya. Hindi ako humihingi ng kapalit. Sapat na sa'kin ang makita na masaya at natutuwa ang natutulungan ko. Masaya na rin ako kapag pinasasalamatan ako sa tulong na ginagawa ko. Sapat nang kabayaran 'yon sa kung anumang tulong ang iniaabot ko.

Pero, hindi lahat ng tulong na ginagawa ko ay pare-pareho. Minsan, bukod sa tulong na ibinibigay ko, ipinupuhunan ko din ang napakalaking tiwala at pagmamahal sa ginagawa ko. At gaya pa rin ng dati, hindi ako umaasa ng kapalit. Masaya ako na nakakatulong sa iba. Katumbas ng malaking pagtitiwalang 'yon ay ang pagtulong ko nang walang sabi-sabi at walang rekla-reklamo.

Ngunit, ang pinakaayaw kong ginagawa sa akin ay ang sinisira ang tiwala ko. Kung ikaw ay isang tao na pinagkakatiwalaan ko, lalo pa't kung ang tiwalang 'yon ay tumagal na nang ilang taon, 'wag kang magkakamaling gumawa ng bagay na makakasira nito. Kung kayanin ko mang magpatawad ng mga taong nanira ng tiwala ko sa kanila, hindi ko maipapangakong kaya kong kalimutan ang bagay na nagdulot ng pagkasirang 'yon. Kung nagawa kitang pagkatiwalaan ng ilang taon at iginugol ko ang panahon at oras ko para sa pagtulong sa'yo, 'wag mong gawan ng paraan na malaman kong tinatraydor mo ako ng patalikod. Higit sa lahat, 'wag kang gumawa ng bagay na magpapatunay sa'kin na sayang lang ang oras na ibinuhos ko para sa'yo at lalung-lalo na sa kapakanan mo.

Sa kasamaang palad, kamakailan lamang ay nangyari ito sa akin.

I can forgive, but I only forgive if the sinner has the guts to admit his/her fault. Hindi ko kayang magpatawad ng taong hindi marunong tumanggap ng pagkakamali, gayun din sa mga hindi marunong magpatawad ng iba. Sa pagkakasira ng tiwala ko, hindi ko na magagawa pang magbigay ng tulong. Dahil dito, pinili kong bitiwan nalang ang mga bagay na nakasanayan ko nang gawin, kahit gaano pa man ito kasakit.

Hindi tayo perpekto, at ako man ay alam kong nakakagawa ako ng mga bagay na ikinakasakit ng loob ng iba. Marami na ring beses na nalagay sa panganib ang tiwala ng ibang tao sa akin. Ngunit, ni minsan ay hindi ko ipinagpawalang-bahala ang utang na loob ko sa ibang tao. Kapag tinulungan ako ng isang tao, at kaakibat ng pagtulong na 'yon ay ang pagtitiwala, ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya para alagaan at 'wag sirain ang tiwalang 'yon. Higit sa lahat, hindi ako magdadalawang-isip na humingi ng tawad sa mga kasalanang nagagawa ko sa iba, lalo pa't kung alam ko sa sarili ko na may pagkakamali akong nagawa. After all, we're all human beings regardless of our standing in life.

As a final note, I wish to share with everyone two of the eight beatitudes of Jesus Christ, as a simple reminder of our responsibilities as Christians:

"Blessed are they who hunger and thirst for righteousness, for they shall be satisfied."

"Blessed are the merciful, for they shall obtain mercy."

:)

3 comments:

Anonymous said...

Mark, di kanaba pede bumalik sa site? hai, namimis ka na namin!

pero nagpapasalamat ako sa mga naitulong mo sa site, and sana, may pagkakataon pa na bumalik ka ulit sa site ni Sheryn!

Anonymous said...

mark,i share the same sentiment as the first commenter. we might not often say it but we hope it's everyday implied that we are very grateful for everything you've done for us at sr.com. we miss you there and we need you not just because of all the help you've given the site but most especially because you are a friend we treasure and look up to.

we want you back!!! we miss you a lot! please don't give up on us...or if you have for that matter, please give us another try! this is simply heartbreaking...

Mark said...

i really can't promise anything because if you guys were hurt, i was hurt more than that.. what i've been through is unmatched.. kaya i had to let go... now if only the people who stepped on me had the same sentiments as yours -- if they really valued my hard work -- then who knows what might be in store for us in the future.

it was hard for me to do what i did, especially because all of you have become part of my daily life, but some people are inconsiderate and ruthless.. and to them, i gave the challenge of being independent, when i quit the site.

oh well. i'm sorry guys.